Ang Pag-ibig
ni Emilio Jacinto
Ang Pag-ibig ni Emilio Jacinto ay isang sanaysay na tumutukoy sa iba't ibang uri ng pagibig. Tulad ng pagibig sa kapwa,sa Diyos, sa magulang, sa sarili at sa isang espesyal na tao.
Nabibighani ako sa mga taong kagaya ni Emilio Jacinto na may kakayahang sumulat ng mga ganitong sanaysay na sobrang makabuluhan ang nilalamn at punong-puno ng mga aral.
Ngunit nakasulat sa Sanaysay na matuto daw tayong mahalin ang ating mga kaaway, pero paano mo mapapatawad ang isang taong nagparamdam sayo ng sobrang galit at pagkamuhi? Mahirap mang isipin ngunit nagawa na ito ni Jesus tuwing tayo'y nagkakasala sa kanya.
Isa sa mga aral na aking nakuha sa Sanaysay na ito ay nalaman ko na ang pag-ibig ay walang ibang binubunga kundi ang kaligayahan at kaginhawaan.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento