Welcome

Art design

Biyernes, Hulyo 13, 2012

Iskrip ng Jaguar

'Iskrip ng Jaguar'

Nung hindi ko pa nababasa ang nilalaman ng script na ito ay akala ko ang tinutukoy na Jaguar ay isang uri ng hayop. Isa pala itong salitang kanto na ang ibig sabihin ay security guard. :)


Kahit sino naman siguro ay iisiping isang hayop ang tinutukoy ng may akda hangat di mo pa nababasa ang nilalaman.

Nakakaawa si Poldo dahil ang turing nya sa kanyang amo ay isang kapatid at ang turing naman sa kanya ng kanyang amo ay isang simpleng empleyado lamang.

Sa huling parte ng  Script ay ipinagtanggol pa ni Poldo ang kanyang amo sa mga nakaaway nito kahit hindi naman na nya obligasyon at hindi narin oras ng trabaho.

Kung ako ang nasa katayuan ni Poldo ay malamang na ganon din ang aking gagawin kahit di oras ng trabaho sapagkat ito ang aking sinumpaang trabaho na kailangan kong protektahan ang aking amo sa abot ng aking makakaya.

At ang natutunan ko sa script na ito ay ang 'Huwag masyadong maghangad ng mga bagay-bagay na malabo namang mangyari ng sa huli hindi ka masaktan' at 'Gampanan ang sinumpaang tungkulin sa lahat ng oras. :)

Slogan

   'Slogan'

Ito ang aking slogan patungkol sa akda ni Emilio Jacinto na Ang Pag-ibig.

Hayaan nyo nalang kung medyo malayo ang paksa ng aking slogan sa binasang sanaysay. :)

Ang aming pangkat ay naatasang gumawa ng slogan patungkol sa akda ni Emilio Jacinto na Ang Pag-ibig at ang nilalaman ng aking slogan ay 'Ang Pag-ibig ay parang ulan, Dumadating nalang ng biglaan' sapagkat hindi natin alam kung kailan natin mararanasang magmahal ng tapat at totoo.

Habang ginagawa ko ang aking slogan ay nalaman ko na ang pag-ibig ay hindi lang naka sentro sa isang espesyal na tao sa buhay mo kasama na din dito ang pagpapahalaga sa mga kung anong meron ka  sa buhay.

At maraming salamat nga pala kay ma'am dahil kahit hindi tapos ang aking gawa ay binigyan parin nya ako ng mataas-taas na marka. :)


         Ang Pag-ibig
                        ni Emilio Jacinto



Ang Pag-ibig ni Emilio Jacinto ay isang sanaysay na tumutukoy sa iba't ibang uri ng pagibig. Tulad ng pagibig sa kapwa,sa Diyos, sa magulang, sa sarili at sa isang espesyal na tao.


Nabibighani ako sa mga taong kagaya ni Emilio Jacinto na may kakayahang sumulat ng mga ganitong sanaysay na sobrang makabuluhan ang nilalamn at punong-puno ng mga aral.

Ngunit nakasulat sa Sanaysay na matuto daw tayong mahalin ang ating mga kaaway, pero paano mo mapapatawad ang isang taong nagparamdam sayo ng sobrang galit at pagkamuhi? Mahirap mang isipin ngunit nagawa na ito ni Jesus tuwing tayo'y nagkakasala sa kanya.


Isa sa mga aral na aking nakuha sa Sanaysay na ito ay nalaman ko  na ang pag-ibig ay walang ibang binubunga kundi ang kaligayahan at kaginhawaan.