Eman Sallador
Welcome
Biyernes, Hulyo 13, 2012
Slogan
'Slogan'
Ito ang aking slogan patungkol sa akda ni Emilio Jacinto na Ang Pag-ibig.
Hayaan nyo nalang kung medyo malayo ang paksa ng aking slogan sa binasang sanaysay. :)
Ang aming pangkat ay naatasang gumawa ng slogan patungkol sa akda ni Emilio Jacinto na Ang Pag-ibig at ang nilalaman ng aking slogan ay 'Ang Pag-ibig ay parang ulan, Dumadating nalang ng biglaan' sapagkat hindi natin alam kung kailan natin mararanasang magmahal ng tapat at totoo.
Habang ginagawa ko ang aking slogan ay nalaman ko na ang pag-ibig ay hindi lang naka sentro sa isang espesyal na tao sa buhay mo kasama na din dito ang pagpapahalaga sa mga kung anong meron ka sa buhay.
At maraming salamat nga pala kay ma'am dahil kahit hindi tapos ang aking gawa ay binigyan parin nya ako ng mataas-taas na marka. :)

Ang Pag-ibig
ni Emilio Jacinto
Ang Pag-ibig ni Emilio Jacinto ay isang sanaysay na tumutukoy sa iba't ibang uri ng pagibig. Tulad ng pagibig sa kapwa,sa Diyos, sa magulang, sa sarili at sa isang espesyal na tao.
Nabibighani ako sa mga taong kagaya ni Emilio Jacinto na may kakayahang sumulat ng mga ganitong sanaysay na sobrang makabuluhan ang nilalamn at punong-puno ng mga aral.
Ngunit nakasulat sa Sanaysay na matuto daw tayong mahalin ang ating mga kaaway, pero paano mo mapapatawad ang isang taong nagparamdam sayo ng sobrang galit at pagkamuhi? Mahirap mang isipin ngunit nagawa na ito ni Jesus tuwing tayo'y nagkakasala sa kanya.
Isa sa mga aral na aking nakuha sa Sanaysay na ito ay nalaman ko na ang pag-ibig ay walang ibang binubunga kundi ang kaligayahan at kaginhawaan.
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)